Hindi pa tuluyang maipatutupad ang inaprubahang wage order ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board para sa dagdag-sahod ng mga manggagawa sa National Capital Region at Western Visayas.
Ayon kay Maria Criselda Sy, Executive Director ng National Wages and Productivity Commission (NWPC), sasalain pang mabuti ng komisyon ang kautusan kung tumatalima sa labor laws.
Kapag nasunod anya ang tamang proseso, dito na maaaring pagtibayin ang wage order sa dalawang rehiyon na ilalabas matapos ang 15 araw.
Tiniyak naman ni Sy na walang naibabasurang wage order ang komisyon maliban kung may kailangang itama sa pagsunod sa batas.