Nakukulangan ang ilang grupo sa inaprubahang P33 daily minimum wage increase sa Metro Manila sa gitna ng naka-umang na dagdag-presyo sa mga basic commodities.
Ayon kay Associated Labor Union-Trade Union Congress of the Philippines spokesman Alan Tanjusay, kapiranggot lamang ang nasabing dagdag-sahod.
Hindi anya ito mararamdaman at mawawalang-saysay dahil maaaring bukas o sa mga susunod anyang araw ay magpatupad ng malawakang pagtaas ng presyo ng mga basic commodities at services.
Mula sa kasalukuyang P537 per day, itataas sa P570 ang arawang sahod sa Metro Manila matapos aprubahan ng National Wages Productivity Commission ang wage hike.