Isang Certificate of Canvass na lamang ang hindi pa naisasama sa kabuuang bilang ng National Board of Canvassers ng Comelec para sa resulta ng eleksyon sa pagka-senador at party-list, kahapon.
Pasado ala-5 ng hapon nang matapos ang pagbibilang sa 172 mula sa kabuuang 173 COCs.
Huling itinala ng poll body sa canvassing ang 14 na COC mula sa Overseas voters, partikular ang huling ballot box mula sa embahada ng Pilipinas sa Oslo, Norway.
Tanging ang mga boto mula sa Lanao del Sur ang kukumpleto sa canvassing.
Magugunitang nakaranas ng karahasan at gulo sa ilang lugar noong May 9, tulad sa mga Bayan ng Butig, Binidayan at Tubaran, Lanao del Sur.
Nakatakda naman sa Mayo a – 24 ang special elections sa 14 na barangay sa mga nasabing lugar.