Dapat unahin ang priority groups sa mga babakunahan pa.
Ayon ito kay Dr. Tony Leachon, public health expert, para makaiwas pa sa matinding epekto ng COVID-19 at sa gitna na rin nang nalalapit na expiration ng COVID-19 vaccines sa susunod na buwan.
Sinabi sa DWIZ ni Leachon na kailangang matutukan ang vaccination rate sa mga negosyo na unti unti na ring nagbubukas at huwag munang ipilit ang pagbahay-bahay para makapagturok sa mga hindi pa bakunado.
Kasabay nito hinimok ni Leachon ang mga dapat magpa booster na dahil mawawala na ang bisa nito makalipas ang anim na buwan bukod sa magta-tag ulan na kayat kailangang maging protektado sa iba pang mga sakit.