Nilinaw ng Presidential Museum and Library na hindi binura at bagkus ay pansamantala lamang na sinuspinde ang government website na malacanang.gov.ph.
Ayon sa presidential museum and library, ang suspensiyon ng naturang website ay para sa pag-update ng mga content at pag-improve ng security features nito.
Mababatid na ang Presidential Museum and Library ang naatasang ilathala ang lahat ng kaganapan sa mga naging Pangulo ng Pilipinas, kasama na rito ang mga naganap noong Martial Law.
Kamakailan ay umugong ang balitang binura ang website matapos mapansin ni dating Palace Communications Undersecretary Manolo Quezon III na hindi mabuksan ang website, kasabay ng namumurong panalo ni Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., na anak ng dating Pangulo na nagpatupad ng Martial Law.