Nakumpiska ng mga otoridad sa isang Taiwanese National ang nasa 600 gramo ng Ketamine o nagkakahalaga ng P3.5 sa Makati City.
Kinilala ng mga tauhan ng PDEA Region 3 ang carrier na si Chang Bin Yen, 33-anyos at residente ng Tainan, Taiwan.
Ayon sa mga otoridad, ang naturang gamot na ginagamit bilang anesthesia ay idineklara bilang air purifier at dumating sa Port of Clark, Pampanga noong Mayo a-12 at nadiskubre kahapon Mayo a-17.
Aabot sa dalawang kahon na naglalaman ng anim na piraso ng stainless steel water purifier kung saan nakatago ang ipinagbabawal na substance.
Sasampahan ng kasong paglabag sa Section 4 o Importation of Dangerous Drugs ang naarestong suspek.