Nagsagawa ng clearing operations ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa bahagi ng Baclaran sa Parañaque.
Partikular na nilinis ng mga tauhan ng MMDA ang mga nagtitinda sa palibot ng simbahan ng Baclaran mula Roxas Blvd. paikot ng Redemptorist Road hanggang sa Quirino Avenue.
Ayon sa MMDA, kanilang ipatutupad ang zero vendor sa nasabing lugar na posibleng daanan ng mga delegado at heads of state na dadalo sa APEC Summit.
Ganito rin ang gagawin ng MMDA sa bahagi ng Pasay Rotonda kung saan, marami ring naglipanang street vendors na kailangan nilang ilipat ng puwesto.
By Jaymark Dagala | Allan Francisco