Umapela sa mga kritiko si Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. na bigyan ng pagkakataon si presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pamunuan ang bansa sa loob ng anim na taon.
Ayon kay Revilla, ang 31 milyong boto ay malinaw pagpapahayag ng kagustuhan sa liderato at panawagang pagkakaisa ni Marcos.
Hinimok pa ng senador, na suportahan na lamang ang liderato ni Marcos at simulan na ang pagkakaisa ng lahat.