Inanunsiyo ng Department of Health (DOH) na pwede na ring magpaturok ng 2nd booster shot kontra COVID-19 ang mga senior citizens at frontline healthcare workers.
Ayon kay National Vaccination Operations Center Chairperson Myrna Cabotaje, ito ang paraan ng bansa para labanan ang virus at mapapalakas nito ang immunity ng mga tao laban sa virus gayundin sa Omicron subvariant BA.2.12.1.
Mababatid na sa ngayon ay mayroong 17 nang kaso ng nasabing sub variant ang naitala sa bansa, kung saan dalawa rito ay mula sa National Capital Region (NCR), 12 naman mula sa Puerto Princesa City, Palawan at tatlo mula sa Western Visayas.
Samantala, kabilang sa mga bakunang gagamitin para sa second booster dose ay Pfizer at Moderna, na ibibigay apat na buwan matapos ang unang booster dose.