Opisyal nang ideklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagsisimula ng panahon ng tag-ulan sa bansa.
Ayon sa State Weather Bureau, pasok na sa criteria para sa pagsisimula ng rainy season ang kasalukuyang weather system na umiiral ngayon.
Dagdag nito, ay magsisimula nang makaapekto sa Metro Manila at kanlurang bahagi ng bansa ang intermittent rain na sinamahan ng Southwest monsoon.
Samantala, maaari patuloy na makaapekto ang La Niña sa ilang bahagi ng bansa at mapataas ang above-normal rainfall conditions sa mga darating na buwan.