Malaki ang tiyansa na maging maulap ang kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa hapon hanggang sa gabi sa bahagi ng Ilocos Region, Bataan, Zambales, Pampanga, Bulacan, CALABARZON at Metro Manila.
Ayon kay PAGASA weather specialist Obet Badrina, inaasahang mas lalakas ang buhos ng ulan ngayong araw kaya’t huwag kalilimutang magdala ng payong at iba pang panangga sa ulan upang maiwasang magkasakit.
Inaasahan naman ang maaliwalas na panahon sa bahagi ng Visayas pero posible paring makaranas ng isolated rain showers at thunderstorms sa hapon hanggang sa gabi.
Magkakaroon naman ng localized thunderstorms sa Mindanao lalo na sa hapon hanggang sa gabi.