Umabot lamang sa 103 additional COVID-19 cases ang naitala ng Department of Health (DOH) sa bansa, kahapon.
Ito na sa ngayon ang pinaka-mababang daily COVID cases simula April 2020 habang sumadsad pa sa 2,241 ang aktibong kaso.
Sumampa naman sa 3,688,100 ang kabuuang kaso ng COVID-19 kabilang ang 3,625,407 recoveries at 60,452 deaths.
Nangunguna pa rin ang National Capital Region sa may pinaka-maraming bagong kaso sa nakalipas na dalawang linggo na 890; CALABARZON, 258 at Central Luzon, 240.