Tiniyak ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pamamagitan ng mines and Geo-Sciences Bureau na mahigpit nilang babantayan ang Tampakan Copper-Gold Open-Pit Mining Project, sa South Cotabato.
Ito’y upang ma-protektahan ang kapaligiran at bilang obligasyon sa rehabilitasyon sa sandaling magsimula muli ang operasyon nito.
Inihayag ito ni DENR Acting Secretary Jim Sampulna matapos amyendahan ang environment code ng South Cotabato, partikular ang pag-alis ng Open-Pit Mining Ban na inaprubahan sa ikatlo’t huling pagbasa ng sangguniang panlalawigan noong May 16.
Dahil dito, magkakaroon na ng pagkakataon ang Sagittarius Mines Incorporated (SMI), na proponent ng tampakan Copper-Gold Project, na ipagpatuloy ang ‘development’ ng lugar at commercial extraction ng mina.
Ayon kay Sampulna, hindi masasakripisyo ang kapaligiran sa pagbabalik-operasyon ng tampakan mine dahil mahigpit itong imo-monitor alinsunod sa mining at environmental laws, rules at regulations.
Ire-require anya nila sa SMI na mag-invest sa equipment at manpower upang matiyak na mababawasan ang anumang magiging epekto ng mining operation.