Sinira ang aabot sa P95.2-M na halaga ng smuggled cigarettes na nasamsam noong nakaraang taon at idineklarang “overstaying” ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC).
Ayon kay Port of Subic District Collector Maritess Martin, tatlo sa siyam na 40-footer container vans ay naglalaman ng mga sigarilyong nakapangalan sa Goldlink Int’l. Subic Inc., habang ang anim naman na containers ay naglalaman ng assorted household goods at iba pang produkto.
Dahil dito, siniguro ni Martin sa publiko na kanilang ipagpapatuloy ang implementasyon sa pagpapatupad ng mga hakbang upang matiyak na hindi makakalusot ang iligal na aktibidad.
Sinabi ni Martin na magpapatuloy ang kanilang kampaniya laban sa smuggling.