Iniurong sa Mayo a-22 ang nakatakdang dagdag-singil o pagtaas ng toll rates sa Manila-Cavite Toll Expressway (CAVITEX) mula sa orihinal na araw nito noong Mayo a-12.
Sa naging anunsiyo ng CAVITEX Infrastructure Corp. (CIC) at ng kanilang joint venture partner na Philippine Reclamation Authority (PRA) sa pakikipagtulungan narin ng Toll Regulatory Board (TRB), kailangang magbayad ng mga motorista ng P33 para sa mga class 1 vehicle mula sa kasalukuyang P25.
Magiging P67 naman ang lahat ng nasa class 2 vehicles mula sa kasalukuyang P50; habang P100 naman para sa class 3 mula sa dating P75.
Ayon sa CIC, magsisimula ang Toll Reprieve Program sa loob ng 90 araw na mag-uumpisa sa unang araw ng implementasyon ng bagong toll rates.