Naitala ng Commission on Elections (COMELEC) ang pinakamataas na bilang ng voter turnout para sa 2022 elections.
Ayon kay COMELEC Education and Information Division Director James Jimenez, ito na ang pinakamataas na turn-out sa Automated election history sa bansa na may 83% voters o katumbas ng 55, 549, 791 mula sa kabuuang 65, 745, 512 registered voters na bumoto noong halalan.
Hinangaan naman ni COMELEC chairman Saidamen Pangarungan ang mga Pilipinong matiyagang naghintay sa mga pila noong Mayo a-9 para lang masigurong magagamit nila ang kanilang karapatang bumoto.
Matatandaang nakapagtala ng 81.95% rate ng voter turnout noong 2016 presidential elections sa Pilipinas.