Inaalam ng NBI o National Bureau of Investigation ang mga pagkukulang ng ahensya sa pagtupad ng kanilang tungkulin.
Ayon kay NBI Director Virgilio Mendez, ito ang pinakatema ng pagdiriwang ng ika-79 na anibersaryo ng pagkakatatag sa NBI.
Mahalaga aniya na malaman ng NBI team kung saan sila nagkukulang upang malaman kung anong bahagi ng kanilang trabaho ang dapat nilang tutukan.
‘Tanim-bala’
Samantala, nanawagan ang NBI o National Bureau of Investigation sa mga biktima ng talaba o ‘tanim-laglag bala’ sa NAIA na dumulog sa kanilang ahensya.
Ayon kay NBI Director Virgilio Mendez, mas magkakaroon ng direksyon ang ginagawa nilang imbestigasyon kung makukuha ang panig ng lahat ng nagsasabing biktima sila ng talaba sa NAIA.
Posible aniyang mangailangan pa sila ng ilang araw bago ilabas ang resulta ng imbestigasyon dahil marami pang records ang hindi nila nakukuha mula sa NAIA.
By Len Aguirre | Aya Yupangco (Patrol 5)