Tatlong hinihinalang World War 2 bombs na hindi pa sumasabog ang natagpuan sa Rizal Province.
Nadiskubre ang dalawang mortar bomb na may sukat na 81mm sa isang bakuran sa barangay pugay sa Bayan ng Baras.
Natagpuan naman sa isang bakanteng lote sa Brgy. Silangan sa San Mateo, ang isa pang pinaniniwalaang bomba na may sukat na 80mm.
Sa ngayon ay nasa ligtas na lugar na ang mga hinihinalang bomba at sumasailalim sa kaukulang imbestigasyon ng mga otoridad.