Binabantayan ngayon ng Department of Health (DOH) ang pitong lugar sa Metro Manila na nakitaan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ilang mga lugar ang nagkaroon ng positive growth sa nakalipas na linggo.
Kabilang sa mga lugar na tinukoy ng ahensya ang Pasig City, Muntinlupa City, Pasay City, Quezon City, Caloocan City, Marikina, at Pateros.
Sinabi naman ni Vergeire na ang naobserbahang pagtaas ng COVID-19 cases ay hindi pa significant.
Ayon pa sa DOH, nananatili sa low-risk classification ang ncr na may mababang average daily attack rates at mas mababa sa 180 na active COVID-19 cases.