Tone-toneladang isda ang naapektuhan ng fish kill sa mga palaisdaan sa Barangay Tawiran sa Obando, Bulacan.
Kabilang ang tilapya at bangus sa mga naglutangang patay na isda sa Tawiran Lake simula pa nuong Lunes.
Ayon sa mga mangingisda, nawalan sila ng kitang 300 pesos sa kada banyera ng isda na halos dalawang buwan nlang inalagaan at pinamuhanan ng feeds.