Target ng pamahalaan na mabakunahan kontra COVID-19 ang 90% ng student population para sa maayos na pagsasagawa ng face-to-face classes.
Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., maganda ang naging bakunahan sa mga batang 12 hanggang 17.
Katunayan aniya ay mayroon pang requests mula sa mga estudyante at magulang na isama sila sa coverage ng second booster shots.
Hanggang nitong Mayo a-tres, sinabi ng Department of Education (DEPED) na 25,668 o 56.89% ng pampublikong paaralan sa buong bansa ang bumalik na sa pagsasagawa ng in-person learning sa gitna ng COVID-19 pandemic.