Umabot sa mahigit 100,000 katao ang kabilang sa mga listahan ng mga nawawala sa Mexico, ayon sa Interior Ministry ng National Registry of Missing People.
Mula 1964 hanggang sa kasalukuyan, nakapagtala ang naturang bansa ng 100,099 katao na nawawala, kung saan 75% dito ay mga lalaki.
Dahil dito, umapela ang ilang rights group ng agarang aksyon upang talakayin ang pagkawala ng mga indibidwal sa mga panahong laganap ang drug-related violence.
Ayon kay UN High Commissioner for Human Rights Michelle Bachelet, 35 lamang sa bilang ng mga nawawala ang nahatulan.
Inilarawan rin nito na isang ‘’Human Tragedy of Enormous Proportions” ang pagkawala ng nasabing mga indibidwal.