Hindi dapat ikabahala ang mga naitatalang kaso ng subvariant ng Omicron na BA 2.12.1 sa bansa.
Ito ay ayon kay Dr. Rontgene Solante, Infectious Diseases Expert na maaari aniyang ang kasalukuyang tally ay underestimation lamang.
Dagdag ni Solante na hindi pa ito nakakabahala dahil wala pang nakikitang pagtaas ng mga kaso sa ilang bahagi ng bansa at patuloy naman aniya nilang mino-monitor ang naturang kaso.
Ipinabatid pa ni Solante na kung magkakaroon man aniya ng pagtaas ng kaso ay sanhi umano ito ng mabilis na hawaan ng nasabing subvariant ng Omicron.
Aniya, mahirap pa rin malaman kung gaano katagal na magagarantiya ng mga booster shot ang proteksyon laban sa COVID-19, ngunit tiyak siya na ito ay sa loob ng tatlo hanggang apat na buwan pagkatapos ng inoculation ng isang tao ay protektado siya laban sa matinding impeksyon.
Samantala, hinimok niya ang mga immunocompromised na kumuha ng kanilang pangalawang booster shot habang kaya pa ng mga ito.