Nagpaabot ng pagbati si presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa 12 nanalong senador sa katatapos lang na 2022 national election.
Sa social media post, naniniwala si Marcos na maibibigay ng mga nanalong senador ang kanilang buong serbisyo at karunungan sa taumbayan.
Kabilang sa mga senador na naiproklama noong Mayo a-18 sa Philippine International Convention Center ay sina:
- Actor Robin Padilla
- Antique Representative Loren Legarda
- Broadcaster Raffy Tulfo
- Senador Sherwin Gatchalian
- Sorsogon Governor Chiz Escudero
- Dating Public Works Chief Mark Villar
- Taguig-Pateros Representative Alan Peter Cayetano
- Senador Juan Miguel Zubiri
- Senador Joel Villanueva
- Dating Senador JV Ejercito
- Senador Risa Hontiveros at
- Dating senator Jinggoy Estrada.
Layunin ng bagong uupong administrasyon ang patuloy na pagbangon ng ekonomiya at pag-unlad ng bansa sa gitna ng Covid-19 pandemic.