Nasa 300 dignitaries sa aviation at transportation mula sa 45 bansa ang lumahok sa kauna-unahang Changi Aviation Summit (CAS) sa Singapore ngayong taon.
Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), kabilang dito ang ministers, civil aviation regulators, chief executive ng mga airline at iba pang captain mula sa Civil Aviation Industry.
Pinangunahan ng Transport Ministry at Civil Aviation Auhtority of Singapore (CAAS) bilang host ang nasabing aktibidad na may temang “Readying for Take-Off: a Brighter and Cleaner Tomorrow.”
Samantala, ang CAS ay isang high-level conference para pag-usapan ang mga isyu sa Global Aviation Industry.