Nagtayo na ang Philippine Coast Guard (PCG) ng mga command observation posts sa tatlong isla malapit sa West Philippine Sea (WPS).
Partikular ito sa Likas Island, Lawak Island at Parola Island.
Ayon kay PCG Commandant Artemio Abu, mapapalakas ng mga outpost na ito ang pagsusulong ng maritime safety, maritime search and rescue at marine environmental protection.
Samantala, nagtatag rin ang task force kaligtasan sa karagatan ng pcg ng smart houses at naglagay din ng radio communication sa nasabing isla. – sa ulat ni Aya Yupangco (Patrol 5)