Dapat asahan ng mga manggagawa sa Region IV-B at Region 12 ang pagtaas sa minimum wage matapos aprubahan ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) ang wage orders ng kani-kanilang regional wage boards.
Batay sa Wage Order no. RB-Mimaropa-10 ng Department of Labor and Employment (DOLE), 35 pesos ang umento sa sahod kaya aabor sa 329 pesos ang bagong minimum wage para sa mga establisyimento na wala pang sampung manggagawa at 355 pesos para sa may sampu o higit pang empleyado.
Para sa Region 12 o Socksksargen, pinagtibay ng nwpc ang Wage Order no. RBXII-22 na kung saan 32 pesos ang umento sa sahod na ibibigay sa pamamagitan ng dalawang tranche na 16 pesos matapos ipatupad ang wage order at 16 pesos sa September 1, 2022.
Sa nasabing bilang, aabot sa 368 pesos ang minimum wage sa naturang rehiyon para sa non-agricultural sector at 347 pesos para sa agricultural, service at retail establishments.