MAHIGIT anim na raang milyong pisong halaga ng mga pekeng produkto ang nasabat ng mga elemento ng Bureau of Customs o BoC sa magkahiwalay na operasyon sa Cavite at Bulacan.
Bitbit ang Letters of Authority o LOA na inisyu ni Customs Commissioner Rey Guerrero, unang ininspeksiyon ang warehouse ng Maclane Storage Facility sa Niog Road, Bacoor City kung saan nadiskubre rito ang mga counterfeit goods na tinatayang nagkakahalaga ng P590 milyon.
Sa hiwalay namang operasyon, aabot sa P78 milyong halaga ng mga peke ring produkto ang natagpuan sa warehouse ng Fochun Industrial Compound sa Balagtas, Bulacan.
Posibleng ipagharap ang dalawang kompanya ng mga kasong paglabag sa Intellectual Property Code of the Philippines, Consumer Act of the Philippines, at Customs Modernization and Tariff Act.