Puspusan ang paglilinis ng MMDA o Metropolitan Manila Development Authority sa mga daluyan ng tubig sa Kamaynilaan para maiwasan ang pagbaha ngayong tag-ulan.
Ayon kay MMDA general manager Frisco San Juan Jr., nililinis na ng kanilang mga tauhan ang mga estero at kanal para masigurong hindi ito barado.
Nabatid na idineklara na ng pagasa ang pagsisimula ng panahon ng tag-ulan nitong Miyerkules.