Handa na ang Commission on Elections sa gaganaping special elections sa Lanao del Sur sa Martes, Mayo – 24.
Ayon kay Comelec commissioner George Garcia, mayroon na silang ugnayan sa Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), at Philippine Coast Guard (PCG) na magbabantay sa eleksyon.
Aniya, dinamihan nila ang pwersa ng otoridad sa Lanao del Sur dahil sa posibilidad ang kaguluhan sa bayan ng Tubaran.
Ipinaliwanag din ni Garcia kung bakit pulis ang magsasagawa ng eleksyon sa 14 na polling precints sa Tubaran dahil tinatakot umano ng mga residente ang mga gurong nagbabantay.
Pero nilinaw niya na pawang mga na-train ng mga pulis ng ilang araw at linggo.
Nabatid na kabilang sa pagdarausan na mga barangay sa Tubaran ay Tangcal, Datumanong, Guiarong, Baguiangun, Wago, Malaganding, Gadongan, Riantaran, Pagalamatan, Mindamunag, Paigoday-Pimbataan, at Metadicop.