Nabawi na ng Kurdish Forces ang bayan ng Sinjar sa Iraq mula sa militanteng Islamic State.
Ayon sa Kurdistan Regional Security Council, kanilang natalo ang puwersa nang IS at nabawi na ngayon ang cement factory, ospital at iba pang pampublikong gusali sa lugar.
Malaking dagok ito para IS sa harap ng ulat na nasawi din sa airstrike si Jihadi John, ang Briton na namugot sa mga Amerikano’t Britong bihag ng ISIS.
Ang Sinjar ay mahalaga para sa operasyon ng IS dahil ito ang nagsisilbing daanan ng mga armas at supplies ng IS.
By Ralph Obina