Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang publiko na ang patuloy na pagsunod sa health standards at pagpapabakuna ang pinaka-epektibong paraan para magkaroon ng proteksyon sa lahat ng bagong COVID-19 variant.
Inilabas ng DOH ang pahayag ilang araw matapos ma-detect ang mas nakahahawang subvariant ng Omicron na BA.4 sa isang Pinoy na mula sa Middle East nitong Mayo.
Para sa health department, ang pagsusuot ng face masks, pag-isolate kung may sakit at pagpapabakuna ang mabisang proteksyon laban sa nabanggit na sakit.
Posible naman aniyang makaranas ng mga sintomas na fatigue, pag-ubo, hirap sa paghinga, joint pain at iba pa ang mga tinatawag na kaso ng Long COVID.