Mapapasabi ka na lang ng sana all!
Iyan ang sinabi ng mga netizens matapos kiligin sa desisyon ni Cong Velasquez (Cong TV) na hindi ituloy ang paglipad patungong Vietnam para sa partner nitong si Viy Cortez.
Batay sa vlog ng Team Payaman, pasakay na sanang eroplano si Cong para manood ng SEA Games nang kabahan para sa kaniyang nagdadalang-taong kasintahan.
Dito na niya iniatras ang pagsama sa Team Payaman at umuwi na lang kay Viy na labis na natuwa sa desisyon ng kasintahan.
Marami naman ang na-amaze sa ginawa ni Cong na tila ipagpapalit ang lahat para sa kaniyang minamahal.