Naghigpit na ang Davao City sa lahat ng buhay na domestic, captured wild birds at poultry products mula sa mga lugar na may bird flu.
Alinsunod ito sa Executive Order 19 ng Davao City na nilagdaan ni acting mayor Sebastian Duterte, na layuning protektahan ang publiko sa epekto ng Avian Influenza.
Kabilang sa pansamantalang ipinagbabawal ang mga sisiw, itlog, dumi, balahibo ng manok mula sa luzon at iba pang lugar na mayroong kaso ng H5N1 Avian Influenza.
Pinaigting na rin ang preventive measures laban sa bird flu sa pamamagitan ng pagdaragdag ng quarantine checkpoints sa lahat ng entry at exit points sa lungsod na umabot na sa 15.
Kasalukuyang nasa ilalim ng Stage 1 o Avian Influenza-Free Area ang Davao City.
Magugunitang nagpositibo sa naturang sakit ang ilang ibon at iba pang poultry animals sa Bulacan at Pampanga habang noong Marso at Abril, na-detect din ang bird flu sa Tacurong, Sultan Kudarat at Magsaysay, Davao Del Sur.