Darating na sa Pilipinas sa Hunyo a-1 ang pangalawang bagong barko ng Philippine Coast Guard na binili mula sa Japan.
Ito ang BRP Melchora Aquino na binili ng Pilipinas sa halagang P14.55-B sa ilalim ng Jica Step Loan Agreement na nilagdaan noong Februay 7, 2020.
Ang nasabing Multi-role response vessel na nakamodelo sa Kunigami-Class vessel ng Japan Coast Guard ay may habang 97-meter.
Gagamitin ang naturang PCG vessel upang mapalakas ang maritime security, safety, law enforcement, search and rescue at marine environmental protection capabilities.
Mayo a-6 nang dumating sa Pilipinas ang isa pang barko ng PCG na BRP Teresa Magbanua, na mula rin sa Japan.