Pinaghahandaan na ng Philippine National Police (PNP) ang inagurasyon ng bagong upong presidente at bise presidente.
Inaasahan ng PNP na marami ang dadalo kaya planong ihiwalay ang naturang inagurasyon ni presumptive president Bongbong Marcos at presumptive vice president Sara Duterte-Carpio.
Planong ikasa sa June 19 ang inagurasyon para kay Inday Sara upang makasama ang kaniyang Ama na si Pangulong Rodrigo Duterte.
Isasagawa naman sa June 30, ang inagurasyon para kay BBM alinsunod sa nakasaad sa konstitusyon.
Tiniyak naman ng PNP na magiging mapayapa ang pagdaraos ng nasabing aktibidad maging ang pagkakaroon ng maayos na pagsasalin ng kapangyarihan sa susunod na administrasyon.