Aabot sa mahigit 50 tonelada ng campaign materials ang nahakot sa ikinasang cleaning at clearing operation sa Lungsod ng Maynila.
Ayon kay Department of Public Services (DPS) director Kenneth Amurao, nasa 52.6 tonelada ng mga campaign posters at iba pang paraphernalia ang kanilang nakolekta.
Sinabi ni Amurao na isasailalim sa recycle ang mga nahakot na basura upang mapakinabangan habang ang iba naman ay idi-dispose.
Nagsasagawa narin ang kanilang ahensya ng pagbubungkal at declogging sa mga estero, drainage at kanal sa tulong narin ng mga tauhan ng City Engineering Office.
Sakop din sa kanilang paglilinis ang mga ilog at dagat upang maiwasan ang pagbaha lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.