Dapat na gawin sa tamang lugar o venue ang mga planong programa o rally habang isasagawa ng Kongreso ang canvassing ng mga boto para sa presidente at bise presidente.
Ito ang sinabi ni Philippine National Police (PNP) Officer-In-Charge, Lieutenant General Vicente Danao Jr. na kung saan patuloy niyang pinapaalalahanan ang mga tauhan ng ahensya na ipatupad ang maximum tolerance sa pagharap sa mga magrarally.
Umapela rin si Danao sa mga sasama sa rally na maging kalmado at iwasan ang pagdaos ng programa sa mga ipinagbabawal na lugar lalo na sa canvassing area.
Bukas, inaasahang magsisimula ang canvassing sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City para sa naturang posisyon sa 2022 Polls.