Maghanda sa automated cheating.
Ito ang babala ni Senator Aquilino Pimentel III sa Commission on Elections o COMELEC kasabay ng hirit na dapat itong makinig sa panawagan para sa credible na 2016 elections.
Partikular na binanggit ni Pimentel ang pagre-review ng source code na isa sa mga security feature sa ilalim ng Automated Election Law.
Ayon kay Pimentel, posibleng magkaroon ng dayaan sa 2016 election sa pamamagitan ng pag-manipula sa PCOS machines at vote-buying.
Sinabi ni Senador na hiniling na rin niya kay COMELEC Chairman Andres Bautista na bigyan siya ng plano ng poll body kung paano maiiwasan ang dayaan.
By Jelbert Perdez