Tumaas na ang presyo ng imported na bigas sa mga pamilihan sa bansa.
Ayon kay Rosendo So, chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), dahil ito sa price hike ng bigas sa International Market na $50 na kada metriko tonelada.
Bahagya namang bumaba ang presyo ng lokal na bigas na nasa P38 hanggang P40 kada kilo.
Bukod sa bigas, tumaas din ang presyo ng gulay sa bansa maging ang transportation cost nito.
Inaasahan naman ang pagsipa ng presyo ng isda na karaniwan tuwing tag-ulan.