Inihayag ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno na suspendido ang lahat ng pasok sa mga korte sa National Capital Region o NCR mula November 17 hanggang 20 dahil sa APEC Summit.
Base rin sa abiso ng Supreme Court, sa Lunes, Nobyembre 16, suspendido ang pasok sa first at second level courts sa Maynila at Makati.
Inaatasan ang mga executive judges na magtalaga ng skeletal force sakaling may mga insidente ng ‘emergency filings’.
Sa Korte Suprema naman suspendido na ang pasok simula sa Lunes maliban lamang sa mga tanggapan ng judicial records office, cashier, motor pool, clerk of court en banc at chambers of justices.
Suspendido rin ang pasok sa Court of Appeals sa Lunes maliban na lamang sa mga itatalagang tanggapan ng presiding justice na kailangang manatiling bukas.
Ang Sandiganbayan at ang mga executive judge ng mga lower courts ay dapat ding magtalaga ng skeletal force sa nasabing mga petsa.
By Meann Tanbio