Hindi na magiging sapilitan ang pagsusuot ng face mask sa malaking bahagi ng Greece simula Hunyo a-1.
Ayon kay Thanos Plevris, Minister of Health ng Greece, required na lang itong suutin sa mga Ospital, Elderly Care Homes at City Transport.
Bagaman inirerekomenda pa rin ang pagsusuot ng mask, hindi na pagmumultahin ang mga walang suot nito.
Unang inanunsiyo ng Greece noong Enero ang pagluluwag ng restriksyon upang muling maibangon ang ekonomiya na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.