Aabot na sa 1,214 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala ng Department of Health mula May 16 hanggang 22.
Ito ay 9.9% na mas mataas sa mga kaso noong May 9 hanggang 15.
Ayon sa DOH, nasa 173 na ang daily average cases sa nasabing linggo habang nakapagtala rin ng 14 na bagong severe at critical cases at anim na bagong nasawi.
Sa mga namatay, tatlo ang naitala simula Mayo 9 hanggang 22.
Samantala, sumadsad na sa 2,215 ang aktibong kaso kahapon kumpara sa 2,252 noong linggo, May 22.