Wala pang venue para sa inagurasyon ni presumptive president Ferdinand Bongbong Marcos, Jr.
Ayon ito sa kampo ni BBM na unang tinatarget ang Quirino Grandstand kung saan tradisyunal na ginagawa ang inagurasyon para sa kanyang sariling inagurasyon subalit may mga COVID-19 programs na ginagawa pa rito.
Magugunitang June 19 planong idaos ni presumptive vice president Sara Duterte-Carpio ang kanyang Inauguration Ceremony sa kanyang baluwarteng Davao City.