Posibleng sa Huwebes na iproklama ang mga nanalong partylist group o sa oras na matapos na ang special elections sa bayan ng Tubaran, Lanao Del Sur.
Nilinaw ni Comelec commissioner George Garcia na tentative pa ang nasabing petsa dahil nakadepende pa rin ito sa magiging sitwasyon.
Ayon kay Garcia, sakaling magkaroon muli ng aberya ay mauurong muli ang proklamasyon.
Ipoproklama na sana noong isang linggo ang mga nanalong party-list group pero ini-atras dahil sa special elections sa Tubaran.
Aabot sa 6,921 ang registered voters sa naturang bayan at maaari anyang makaapekto ang mga botong ito sa rank 60, 61, 62 at 63 ng mga partylist group.