Inanunsiyo ng Office of the Vice President (OVP) na kanila nang ititigil ang ilang programa sa Hunyo.
Ayon tanggapan ng Bise-presidente, kabilang sa kanilang ihihinto ang Bayanihan E-Konsulta sa Martes, Mayo 31.
Ihihinto narin ang pagtanggap ng aplikasyon para sa Medical at Burial Assistance simula Hunyo a-1.
Ayon sa OVP, ito ay para masiguro na magiging maayos ang pag turn-over ng programa sa susunod na uupong Pangalawang Pangulo na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang OVP sa mga nagbigay ng tiwala at nakiisa para isakatuparan ang ilan nilang programa sa panahon ng COVID-19 pandemic.