Mas mataas ang case fatality rate ng monkeypox kumpara sa COVID-19 fatality rate ng Pilipinas.
Ayon kay Dr. Ted Herbosa, special adviser ng National Task Force Against COVID-19 ito’y sa gitna ng pagdami ng mga bansang mayroon nang kaso ng monkeypox.
Anya, 3% ang fatality rate ng monkeypox sa Africa na mas mataas kumpara sa 2.5% ng COVID-19 death rate sa Pilipinas.
Mas nakahahawa anya ang nabanggit na virus kaysa COVID na naililipat sa pamamagitan ng close contact, hayop at sa mga kontaminadong bagay.
Ang naturang sakit ay isang viral disease na nagmumula sa mga hayop kung saan ilan sa sintomas nito ay lagnat, pamamantal at pamamaga ng lymph nodes.