Posibleng sa Biyernes i-anunsyo ni Presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Junior ang ilan pa sa mga magiging bahagi ng kanyang gabinete.
Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos, patuloy ang pakikipag-usap ni BBM ang ilang tao at ini-interview ang mga potensyal na cabinet member.
Maaari anyang tatlo pang potential nominee ang kanilang ihahayag sa Biyernes.
Una nang inanunsyo ni BBM ang pagtatalaga sa kanyang running mate na si Presumptive Vice President Sara Duterte bilang education secretary habang si Rodriguez ang magsisilbing Executive Secretary.
Tinanggap na rin nina dating MMDA Chairman Benhur Abalos ang alok na maging DILG Secretary; Cavite Rep. Boying Remulla sa DOJ; Susan “Toots” Ople sa Department of Migrant Workers at ibinalik din sina Bienvenido Laguesma sa Department of Labor and Employment at Arsenio Balisacan sa NEDA.