Halos 150 katao ang patay at higit 60 rin ang sugatan sa pagsabog at pag-atake sa 5 lugar sa Paris, France.
Ayon sa French Media, naganap ang unang pag-atake sa Stade de France National Stadium kung saan ginaganap ang friendly soccer match ng France at Germany.
Ang ikalawang pag-atake ay nangyari sa labas ng isang Cambodian restaurant sa 10th District ng Paris kung saan ayon sa mga testigo ay ilang kalalakihan gamit ang assault rifles ang pinagbabaril ang mga kumakain
Nilusob naman ng ilang kalalakihan ang Bataclan Music Hall kung saan kaagad ini-evacuate ang mga bystander nang i-take over ito ng elite police commandos.
Ilang hostages ang hawak ng mga suspek sa naturang concert hall.
Sinasabing nagkaroon din nang pamamaril sa Rue de Charonne sa 11th District at Central Lei Hall Shopping Center
Ang mga naturang pagsabog ay nangyari sa gitna nang pagtataas ng alerto ng Paris kontra mga militante bilang miyembro ng US led coalition na nagsasagawa ng air strikes laban sa ISIS sa Syria at Iraq.
Tinawag na attack on humanity ng Pangulo ng France ang nasabing insidente.
Dahil dito, nagdeklara na ng state of emergency sa Paris matapos ang mga nasabing pag-atake.
By Judith Larino