Nanawagan sa publiko ang Malacañang na sundin ang minimum public health standards kasunod ng banta ng monkeypox virus.
Ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Presidential Communications Operations Office (PCOO0) Secretary Martin Andanar, hindi dapat magpakampante ang publiko dahil mayroon nang mga kaso ng naturang virus sa ibang bansa.
Sinabi ni Andanar na pinaigting na ng Department of Health (DOH) ang 4-door strategy gayundin ang screening process sa mga border ng Pilipinas upang maiwasan ang pagpasok ng monkeypox.
Una nang nilinaw ng mga eksperto na ang monkeypox virus ay hindi gaanong delikado kung ikukumpara sa ibang virus dahil nasa 1% lamang ang fatality rate nito.
Iginiit ni Andanar na mahalaga parin ang pagtalima sa minimum public health standards dahil nananatili pa rin ang banta ng COVID-19.